$23-M Marcos money, puwedeng gamitin sa human rights victims

MAITUTURING PA rin sa pamahalaan ng Pilipinas na welcome development o positibong desisyon ang ruling ng Singapore Court of Appeal na nagkakaloob sa $23-milyong Marcos Estate sa Philippine National Bank (PNB).

Dahil dito, mistula nang nabasura ang claim ng pamahalaan sa naturang salapi.

Sa mensaheng ipinadala ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi raw ikinakasama ng pamahalaan partikular ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang nabanggit na ruling ng Singapore court.

Sinabi ni ni PCGG chairman Andy Bautista na bagama’t PNB ang may legal title sa account, hindi naman nawawalan ng poder dito ang pamahalaan sang-ayon sa pinasok na kasunduan kung saan trustee ng estado ang bangko.

Maaari rin daw gamitin ang nasabing pera sa kompensasyon ng mga biktima ng human rights victims noong panahon ng Martial Law pero sapat pa naman daw ang P10 bilyong inilaan sa Human Rights Compensation Law mula sa narekober na Swiss bank accounts.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.