23.9-M Estudyante, Balik-Eskwela Ngayong Araw

INAASAHANG AABOT sa 23.9 milyong estudyante ang papasok sa paaralan ngayong araw kaya hi-nimok ng Department of Education (DepEd) ang mga community leader na makiisa sa pagbubukas ng klase sa bansa.

Iminungkahi rin ni Education Secretary Armin Luistro sa mga school heads na imbitahan ang mga community leaders para dumalo mismo sa unang araw ng flag ceremony para sa school year 2013-2014.

Sinabi ni Luistro na kinakailangan ang buong barangay para ma-educate ng maayos ang isang bata kaya’t dapat ang lahat ay sangkot sa unang araw ng pasukan mula sa mga magulang hanggang sa mga local leader at mga awtoridad.

Samantala, pinayuhan din ng DepEd ang mga regional offices nito na makipag-ugnayan sa mga lokal na kinauukulan bi-lang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.