Direk Joyce Bernal, aminadong lasengga!

TUWING LINGGO NG hapon, pagkatapos ng Paparazzi sa TV5, may bago palang kagigiliwan ang mga kabataang panooring palabas kung saan ang bida eh, ang nilulutong tandem ng bokalista ng Calla Lily na si Kean Cipriano at ang ngayon eh, tinatawag na Prinsesa ng Kapatid station na si Alex Gonzaga – ang BFGF.

Actually, nakadalawang linggo na nga silang sumasalang sa ere kung saan ilang mga kabataang galing sa Kapamilya at Kapuso ang kasama sa cast gaya nina John Manalo, Angelo Patrimonio at Chris Cayzer.

At kahit na dalawang dekada ang layo ng agwat ng edad ng direktor nitong si Joyce Bernal sa mga kabataang kasama niya, nag-e-enjoy naman siya sa mga bago niyang katrabaho.

Tsika kami kay Direk Joyce. Kasi nga, may nagsusulat at nagkakalat na diumano, ni-rehab siya. No, hindi po nang dahil sa droga. Kundi sa pagiging lasengga raw nito. Dahil may isang instance daw na sa kalasingan nito eh, nakita na lang na nakahandusay sa shores of Boracay.

Eh, tawa lang nang tawa si Direk sa tsikahan namin noong press conference nila over a cup of coffee. Aminado naman daw siya na she’s really a drinker. Pero, hindi naman daw siya dinadala sa isang rehab center. At kahit naman daw sino sa showbiz, lalo na ang mga malalapit sa kanya eh, alam kung paano siyang malasing. Kaya nga raw kapag umiinom siya eh, mga kaibigan ang talagang kasama niya dahil sobra raw siyang mag-enjoy when she drinks.

At nasisiguro naman naming hindi ipagkakatiwala ng TV5 kay Direk Joyce na i-handle ang pawang mga kabataan kung may katotohanan nga ang paninirang ginagawa sa kanya ng ilang mga tao sa kanilang mga threads sa mga blogs nila sa internet.

Actually, nabanggit nga ni Dingdong Dantes nang makausap naman namin ito sa isang party na gustong-gusto nila ni Marian Rivera na si Direk Joyce ang mag-direk ng Endless Love nila, pero sabi naman ni Direk, mangyayari ‘yun kung magkakatagpu-tagpo ang mga schedule nila. Kaya ang ending, dinadalaw na lang daw niya si Dingdong sa Family Feud nito.

Natutuwa na si Direk na mataas naman daw ang rating ng kanilang BFGF. Kaya, humanda raw ang Agua Bendita. In three years, tatalunin na raw nila ito. At tumawa nang tumawa!

RYAN NAVARRO PALA ang name ng nakilalang police ni Pokwang na nagsilbing security nila nang mag-show sila sa Amerika recently. Taga-Dallas, Texas daw ang may Mexican and Scottish decent na mama. Mukhang smitten by Pokwang’s charms ito kaya may plano na dalawin ang gustong bigyan ng titulong Princess of Comedy.

Touched na touched na si Pokwang nang sabihin daw sa kanya ni Ryan na pupunta lang ito ng Pilipinas para dalawin siya kung maluwag ang schedule ni Pokwang at hindi siya makakasagabal sa trabaho ng komedyana.

Kaya, it can be told na inspired na inspired ngayon ang iniintriga naman sa mga bagong kasamang co-hosts niya sa Wowowee dahil diumano eh, pinagmamalditahan daw niya ang mga ito. Na pinabulaanan ni Pokwang. Sana raw, nakikita ng mga tao kung paano silang mag-bonding ng mga bagong hosts nila sa show.

Kaya ‘ata napapayag uli si Pokwang na sumalang na naman para mag-show sa comedy bar ng Frontcourt Productions na maghahatid ng “Okay Ka Pokie Ko” sa April 30 (Biyernes) at 10 p.m.

Hudyat na raw kaya ito na after niyang magsasalang na naman sa mga comedy bars eh, tatangkain na niya na mag-concert na rin sa Araneta Coliseum?

Ayaw raw niya. Ibang venue raw ang type niya. Du’n daw siya sa airstrip para maiba.

“O, ‘di ba mas masaya ‘yun? ‘Pag may lalapag na plane, tabi muna tayo. ‘Pag may lilipad, tabi uli tayo. Mas masaya.”

Nati-threaten na raw ba ito sa pagdating ng isang Melai Cantiveros sa mundo ng mga nagpapatawa?

Hindi rin daw dahil nagkasama na rin daw silang magkatrabaho nito. At naging open sila sa isa’t isa kaya naman bilang parang isang Ate, nabigyan daw niya ng mga advise si Melai, lalo na pagdating sa pagsusubi ng pera at pangangalaga sa kanyang finances.

Oo nga naman!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Direk Joyce Bernal, aminadong lasengga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.