Alam ba ni Binoe ‘yan? Ejay Falcon, pinopormahan si Queenie Padilla?

SA HALIP NA magalit, deadma lang si Marian Rivera sa isyung may anak siya. Katuwiran ng aktres, mas marami siyang magagawang magandang bagay kaysa ang pag-ukulan nang pansin ang mga kuwentong puro kasinungalingan.

Kung paniniwalaan ang balita, nagsilang na umano si Marian sa isang ospital sa Cavite, na noong lumaki na ang bata ay dinala na ito sa ibang bansa na ngayon ay nasa pangangalaga sa father side ng aktres.

MUKHANG MAY DAPAT ngang ipagselos si Angelica Panganiban kay Gretchen Barretto. Very vocal ang huli sa pagsasabi na kung wala lang Tony Boy Cojuangco at Angelica sa tabi nila ni Derek Ramsay, malamang ay nagkainlaban na sila.

Kung sa bagay, mahilig talaga si Gretchen sa mga lalaking tall, dark, and handsome. Katunayan lang, nariyan at na-link sa kanya sina Richard Gomez , Cesar Montano, Bong Revilla at John Estrada. Patunay lang na hindi safe si Derek kay Gretchen lalo na ngayong napapadalas ang kanilang pagkikita.

MUKHANG TINOTOO NA ni Piolo Pascual at KC Concepcion na off-limits sa media ang tunay na relasyon nilang dalawa. Ayon sa aming source, hanggang ngayon daw ay tuloy pa rin ang mabuting pagtitinginan nina Piolo at KC, na kahit matagal nang tapos ang kanilang soap opera, may communication pa rin daw ang dalawa.

Seryoso si Piolo kay KC, samantalang si KC ay kinikilig pa rin kay Piolo.

NAKITA NAMIN SINA Queenie Padilla at Ejay Falcon, at mukhang may dapat ipaliwanag si Ejay kay Robin Padilla dahil bakit super sweet sila ni Queenie kamakailan?

Well kung paniniwalaan ang balita, matapos pormahan ni Ejay si Erich Gonzales, na deadma lang ang aktres, heto’t si Queenie naman ang puntirya ng binata.

Makapapayag kaya si Bad Boy na si Queene ay ligawan ni Ejay, na napapabalita noon pa na kilabot ng mga bading?

NAGTATAGO SI ROSANNA Roces at ang dahilan, hindi raw makabayad ang aktres sa malalaking halaga ng pagkakautang.

Hindi raw mapagkikita ang aktres dahil malapit nang ma-embargo ang bahay nito na nasa Commonwealth.

Well, ayaw ng ganyang balita ni Osang dahil sa pagkakaalam ko, abala lang ngayon ang aktres sa isang indie film.

BABALIK DAW NG Pilipinas si Yilmaz Bektas hindi para kunin ang dalawang anak na sina Lorin at Venice, kundi para muling ligawan si Ruffa Gutierrez.

Kung paniniwalaan ang balita, halos araw-araw raw kung mag-overseas call si Yilmaz. Wala raw itong ginawa kundi ang muling ligawan at pangakuan ng kung anu-ano si Ruffa, na ikinakikilig naman ng aktres.

Feeling ngayon ni Ruffa, ngayon pa lang siya nagdadalaga. Kaya naman si John LLoyd ay tuluyan na niyang nakalimutan.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleDirek Joyce Bernal, aminadong lasengga!
Next articleJudy Ann Santos at Ryan Agoncillo, tuloy na ang bakasyon sa Amerika

No posts to display