22,000 Malabon Kids, Tumanggap ng Libreng Bags, School Supplies

TUMANGGAP ANG may 22,000 mag-aaral mula sa kindergarten, una at ikalawang baitang sa Malabon  ng libreng school supplies bago magsimula ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, pahayag  ni Acting City Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III.

Maaga pa lamang ay nagsimulang mamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng mga libreng bags at school supplies sa mga Grade 1 at Grade 2 pupils at mga tumbler at kapote para sa mga kindergarten.

Ang lahat ng pampublikong paaralan sa Malabon ay nagsagawa rin ng General Assembly kasama ang mga magulang, guro at mga mag-aaral upang turuan ang mga bago at dating estudyante tungkol sa patakaran at kagandahan ng K+12 program.

Nagsagawa pa noong Hunyo 1 ng isa pang orientation upang tiyakin na wala nang magiging problema sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, ayon naman kay Malabon City School Division Superintendent Mauro C. De Gulan.

Si Acting Mayor Oreta, kasama ang ibang opis-yales ng lokal na gobyerno, ay nanguna sa pamamahagi ng mga bag at iba pang school supplies sa Amang Rodriguez Elemetary School, Malabon Elementary School, Ninoy Aquino Elementary School, Catmon Integrated School at Tinajeros Elementary School (Main).

“Pinili namin na magkaroon ng suportang pang edukasyon sa mga mag-aaral ng Kinder, Grade 1 at Grade 2 sapagkat nais namin silang himukin na mas lalong maging masipag at mas tutok sa kanilang pag-aaral sa kanilang murang edad,” dagdag ni Oreta.

Ang mga Parents Teacher Association sa Malabon ay lubos na natuwa sa pagtanggap sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng tulong pang-edukasyon sa mga kabataang mag-aaral sapagkat itoy makakatulong sa pag-udyok sa mga bata upang pumasok sa paaralan araw-araw.

Kaugnay ng lumalaking

gastusin sa mga school supplies taun-taon, ang lungsod ng Malabon ay pa-tuloy sa pag-iimplimenta sa mga proyekto sa paraang mapaliit ang pasanin ng mga magulang lalo na ang mga pamilyang maliliit lamang ang kita.

Ang Lungsod ng Malabon ay patuloy sa pagsasagawa ng proyektong ito na tumagal na ng 8 taon at mahigit  150,000 mag-aaral na ang nabiyayaan ng nasabing proograma.

Noong nakaraang Marso ang city government ng Malabon ay nagbigay ng graduation subsidy sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementary at high school upang makatulong sa kanilang graduation at recognition expenses.

Ang edukasyon ang pangunahing prayoridad ng city government ng Malabon sa ilalim ng pa-ngunguna ni Acting Mayor Lenlen Oreta.

Maliban sa mga libreng school supplies, ang Lungsod ng Malabon ay bumili ng walong porta classrooms na ilalagay sa mga pampublikong paaralan na nakakaranas ng kakula-ngan sa mga classrooms dahil sa dumaraming bilang ng mga enrolles sa grade schools.

Ang 4.5 meters by 7.5 meters na porta classrooms ay magiging pansamantalang kwarto ng mga bata na makapaglululan ng 30 estudyante.

Samantala, ibinalita ng Malabon Police na nagtalaga sila ng 19 na police assistance desk sa 38 public schools sa lunsod upang tumanggap ng reklamo at tawag para sa agarang pagtulong.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.