22 Tonelada ng Soya, Na-Hijack

ANIMO’Y BABOY na nakagapos ang mga paa at kamay habang nakapiring ang mga mata at may busal na masking tape ang bibig ng driver at pahinante nang matagpuan ng isang concerned citizen sa Brgy. Parulan, Plaridel Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Amado Mendoza, kinilala ang nakaligats na biktima na sina Mario Bautista, 48 anyos; Eduardo Caligagan, 45, ng Brgy. Poblacion, Porac, Pampanga; at Rodolfo Abierta, 34, ng Dinalupihan, Bataan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis sa mga biktima, dakong ala-1:00 ng madaling-araw, lulan sila ng Isuzu cargo truck na may plakang CWS-899 habang sakay ang 22 tonelada ng Soya mula sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Olongapo City.

Ayon sa driver, inagaw ang kanilang truck sa Brgy. San Isidro, Lubao, Pampanga, at basta na lamang silang iniwan sa madamong bahagi ng Parulan, Plaridel.

Nabatid na apat na armadong kalalakihan ang humarang sa kanila sa Parulan, lulan ng isang van, na kapwa mga nakasuot ng bonnet, kung saan pilit na inagaw ang manubela, ng truck, at itinakas ang tinatayang P700,000 halaga ng soya.

Samantala, patuloy naman na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad hinggil sa naturang hijacking.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.