22 Sundalo, Sugatan sa Pagsabog sa Basilan

UMAABOT SA 22 sundalo ang nasugatan sa nangyaring pagsabog ng landmine sa Brgy. Baywas bayan ng Sumisip sa probinsya ng Basilan pasado alas-8 kahapon ng umaga.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr., nagsasagawa ng clearing operations ang mga tropa ng 13th Scout Ranger Company sa Abong-Abong Peak Hill, Sitio Pansol sa naturang bayan nang aksidenteng matapakan ng mga sundalo ang mga nakatanim na landmine.

“This is believed to be the work of the ASG as it is near their former camp,” ayon kay Joint Task Force Basilan commander Col. Ricardo Visaya.

Samantala, dalawang helicopters na ang ipinadala sa lugar para ma-evacuate ang mga sugatang sundalo kung saan lima rito ang nasa kritikal na kundisyon habang 17 ay nagtamo lamang ng minor injuries. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.