22 Pulis na Sangkot sa Atimonan Shooting, Kinasuhan Na

AABOT SA 22 tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kinasuhan ng Internal Affairs Service dahil sa paglabag sa operational procedures sa pagsasagawa ng checkpoint sa Atimonan, Quezon.

Sinabi ni PNP Chief Alan Purisima na maaaring matanggal sa pagka-pulis ang mga kinasuhan kung mapapatunayang nagkasala sa gagawing summary dismissal proceedings ng PNP na tatagal ng 90 araw.

Maaari ring isailalim sa restricted custody sa Kampo Crame ang senior officers na sina Police Senior Superintendent Valeriano de Leon, ang sinibak na provincial director ng Quezon; at Police Chief Supt. James Melad, ang sinibak na regioanl director ng Region-4A.

Kinumpirma pa ni Purisima na sinusundo na rin si Superintendent Hansel Marantan para isailalim din sa restricted custody.

Hindi naman kasama sa mga kinasuhan si Supt. Glen Dumlao dahil wala ito sa isinagawang checkpoint.

Samantala, nilinaw ng PNP na ang inilibas na resulta ay batay sa paglabag ng mga tauhan ng PNP sa pagsasagawa ng checkpoint sa Plaridel.

Hindi anila nakasuot ng tamang uniporme ang mga sangkot na pulis, hindi sinunod ang tamang komposisyon ng tauhan at kulang ang marked vehicles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.