219 Bahay, Bubuksan Para sa mga Nasunugan sa Navotas

BUBUKSAN NA ang itina-yong dalawang gusali na may dalawang daan at labing siyam na pintuan ang maaari nang tirahan ng higit sa labing dalawang libong residente na nabiktima ng sunog sa lungsod ng Navotas sa ilalim ng programa ng pamahalaan lokal ng Navotas City ang Navotaas Residences na nakatakdang pasinayaan sa darating sa Nobyembre 21, 2012.

Isa ang mga residente ng barangay San Roque, na maging residente sa naturang gusali matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga tahanan noong nakalilipas na taon .

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasabay ng pasinaya ay magkakaroon din ng Drug Abuse Prevention and Control Week, bilang modelo ng bagong tahanan at komunidad na libre sa anumang illegal na droga.

Magkaroon din ng libreng concert at mga imbitadong sikat na mga mang-aawit at banda, kabilang sina Rey Valera, Salbakuta, at Andrew E. na magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi.

“We planned to transform this to a livable community for all the affected families after the said incident. For their children’s education, now under construction is the new San Roque Elementary School with 21 new classrooms,” ani pa ng alkalde.

Hanggang 25-taon ay walang babayaran ang sinumang makakukuha ng bahay maliban sa bayarin nila sa nakonsumong tubig, ilaw at para sa pagmamantine.

Ang 3,100 sqm. na lupa ng gobyerno na pinagtayuan ng naturang proyekto ay ang iskwater na siyang dinibelop ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Navotas.

At upang maging ma-

buting residente ng lungsod, maaari lamang sumunod sa simpleng kasunduan ng pamahalaan lokal ng Navotas: kailangan ang mga anak ay nag-aaral, umatend ng seminar hinggil sa mga mabuting impormasyon, kalinisan, drug testing at atbp.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.