215 patay sa lindol; P2.2-B pinsala – NDRRMC

UMABOT NA sa 215 ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Bohol at mga karatig-lalawigan sa Visayas noong Oktubre 15.

Base sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 201 dito ang mula sa Bohol habang 13 ang mula Cebu at isa sa Siquijor.

742 naman na ang nasugatan habang walo pa rin ang patuloy na pinagha-hanap.

Sa halaga naman ng pinsala, mahigit P2.2 bilyon na ang katumbas ng mga nasirang tulay, kalye, eskwelahan, pagamutan at iba pang gusali sa Visayas.

Hanggang sa kasalukuyan, nakapagtatala pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mga aftershock.

Pinakahuli namang na-ramdaman ang magnitude 3.4 na lindol sa Tagbilaran City, alas-8:18 Sabado ng gabi.

Samantala, naramdaman ito sa intensity 3 sa Calape, Bohol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.