21 Pinoy Peacekeepers, Sasalang Ulit sa Psychological Debriefing

MULING SASAILALIM sa psychological debriefing ang 21 Pinoy peacekeepers na apat na araw binihag ng mga rebeldeng Syrian sa Golan Heights bago pinalaya noong Sabado, Marso 9.

Sinabi ni Col. Arnulfo Burgos, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), natapos na ang pyschological debriefing sa kanila ng mga counsellor ng United Nations gayundin ang medical evaluation.

Lumabas na walang masamang epekto sa kanilang kalusugan ang pagkakabihag ng mga rebelde.

Gayunman, sinabi ni Col. Burgos na bahagi ng protocol ang muling sumailalim ang mga sundalo sa psychological debriefing ng mga pyschologist ng Philippine Battalion sa Golan Heights upang matiyak na hindi sila na-trauma.

Samantala, malaki naman ang posibilidad na maibalik sa full duty status ang 21 Pinoy peacekeepers.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.