21 Karnap na Motorsiklo, Narekober

UMABOT SA dalawampu’t isang motorsiklo na hinihinalang carnap ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang ‘Oplan Galugan’ sa isang abandonadong bodega kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Dakong ala-1 ng hapon nang isagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Anti-Carnapping na pinamumunuan ni P/Sr. Insp. Gaylord Tamayo at sinugod ang Phase 12, Riverside Bgy. 188, Tala Caloocan City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa sunud-sunod na reklamong biglang paglaho ng mga motorsiklo sa kanilang lugar at dinadala ito sa bakanteng bodega.

At nang maging posi-tibo ay isinagawa ang operasyon ng mga awtoridad at nilusob ang naturang lugar, kung saan narekober ang 21-motorsiklo.

Sinabi pa ni Tamayo na patuloy ang kanilang ginagawang operasyon dahil sa tumataas na ang bilang ng kasong carnapping.

Sinabi pa nito na kung sino sa mga may-ari ng motorsiklo ang mag-claim ay ipakita lamang ang mga kaukulang papeles gaya ng OR/CR para sa berepikasyon.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.