21 HIV Victims, Naitala sa Caraga

MARAMING MAG-AARAL SA kolehiyo at unibersidad nitong lungsod ng Butuan ang sumailalim ng HIV testing alinsunod sa pag-hahanda sa pagdiriwang ng World AIDS Day.

Ayon kay Butuan City Coordinator ng AIDS Society of the Philippines Anthony Toralba, base sa kanilang datos, sa rehiyon ng Caraga, mayroong 21 katao ang nahawaan ng HIV kung saan pinakaraming biktima ay nanggaling sa lungsod ng Butuan na mayroong anim katao.

Ang pinakamurang edad na nahawaan ng HIV ay 18-anyos matapos maagang makipagtalik sa kahit sino lang, ani pa ni Toralba.

Kahit pa sa kanilang pinaigting na kampanya kontra HIV, ang dating nahawaaan ng nasabing sakit ay muling nakitaan ng mga sintomas.

Samantala, pinaalala-hanan ng opisyal ang mga indibidwal na nagkaroon ng HIV na iwasan ang pakikipagtalik dahil oras na malaman nilang nakikipagtalik pa ito sa ibang tao na siyang daan na mahawaan din ng naturang sakit, handa nilang ipaalam sa publiko ang pangalan ng mga HIV-positive victims upang ang mga tao na ang iiwas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.