2016 polls, posibleng maging touchscreen

POSIBLENG GAMITAN ng touchscreen devices ang pagboto ng mga Pinoy pagdating ng 2016 presidential elections.

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na kinokonsidera ng poll body ang paggamit ng teknolohiyang tulad nito bilang alternatibo sa precinct count optical scan (PCOS) machines.

Ngunit nakadepende aniya ito sa pondong ilalaan ng Kongreso para sa Comelec sa susunod na taon.

Pinangunahan naman ni Brillantes ang pagharap ng Comelec en banc sa House panel of the joint congressional oversight committee (JCOC) ukol sa ulat nito noong 2013 elections at maging sa paghahanda sa 2016 elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.