2013 Best Techno-Preneur Award, Iginawad ng DOST-MIMAROPA

BINIGYANG-PARANGAL ANG mga natatanging entreprenyur na natulungan ng Department of Science and Technology-Region 4B o MIMAROPA na taga-Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan kabilang rin ang pagnanais nilang mai-market ang mga produktong buhat sa kani-kanilang mga pulo sa Maynila o sa ibayong dagat.

Pinangunahan ni Dr. Jesefina P. Abilay, Regional Director ng nasabing sangay ng Kagawaran ng Agham ang paggawad ng parangal sa 2013 Best Techno-Preneur Awards at kasabay ang forum na may temang “e-Marketing: Bridging Island Products To The Mainstream”.

Ilang personalidad na naging matagumpay sa negosyo na buhat sa nasabing mga lalawigan ang kanilang naging bisita at nagsilbing tagapagsalita. Ang nasabing mga nabigyan ng parangal ay mga kumpanya at negosyong natulungan na ng DOST sa kanilang Small Entrepreneur Technology Upgrading Program (SETUP).

Layunin ng DOST Region 4B na ‘di lang ang kanilang mga natulungang negosyo ang umasenso kundi pati ang mga negosyong nais humingi ng tulong sa kanila sa nasabing mga isla, na nakikita ng mga dalubhasa na may kakayahang maging world class at ihanay sa mga produktong kayang makisabay sa pandaigdigang pamilihan.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.