200k Loose Firearms, Kukumpiskahin ng PNP

UMAABOT SA mahigit pang 200,000 loose firearms ang target kum¬piskahin ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng itinakdang 150 araw na Comelec gun ban na tatagal hanggang sa Hunyo 12 ng taong kasalukuyang.

Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima na magpapatuloy ang pinalakas na kampan¬ya kontra loose firearms upang hindi ito magamit sa mga karahasan kahit tapos na ang eleksyon.

Ang gun ban ay sini¬mulang ipatupad noong Enero 13 ng taong ito kaugnay ng idinaos na midterm elections sa bansa.

Ayon sa tala ng PNP, mula sa mahigit 600,000 loose firearms na hinahanap ng PNP umpisa noong 2012  ay nasa 235,550 na lamang ito.

Samantalang ang mga baril na nabigong maipa-renew ang mga lisensya ay ikinokonsidera ng PNP na mga loose firearms na bahagi ng isinasagawang Oplan Katok ng PNP.

Lumalabas sa rekord ng PNP-Firearms and Explosives Division (PNP-FED) mula Hunyo 2012 ay nasa 613,657 ang mga baril na hindi na-irenew ang mga lisensya habang nasa 248,147 naman ang mga paso na ang rehistro na siyang tinututukan ng Oplan Katok ng kapulisan sa buong bansa.

Nakapagtala lamang ng 92,817 mga baril na naipa-renew muli ang mga lisensya sa taong ito habang nasa 37,143 naman ang isinailalim sa safekeeping  ng PNP dahilan sa double entry at nauna na ring report na pagkawala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.