20,000 E-Tricycle, Papasada Na

RARATSADA NA SA mga lansa-ngan ngayong taon ang mahigit kumulang sa 20,000 electric tricycles na nilikha ng Electric Vehicle Alliance of the Philippines (EVAP) at Congressional Commission on Science, Technology and Engineering (COMSTE).

Ang nasabing plano ay mahigpit na sinuportahan ng Department of Transportation and Communication (DOTC), Department of Science and Technology (DOST) Department of Trade and Industry (DTI) at Asian Development Bank.

Ayon kay DOTC Secretary Jose De Jesus, makatutulong na mabawasan ang polusyon na dulot ng mga mauusok na sasakyan kapag natuloy ang plano ng EVAP at COMSTE.

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na  umano  ang  EVAP  at   COMSTE sa iba’t ibang manufacturer para sa gagawing disenyo ng e-tricycle at unti-unti nang iniimpormahan ang publiko hinggil sa layuning magkaroon ng alternatibong sasakyan na tatakbo sa pamamagitan ng kuryente.

Sinasabing lalaki ng hanggang P300 kada araw ang maaaring kitain ng isang tricycle driver kapag de-kuryenteng tricycle ang kani-lang gagamitin sa pamamasada sa halip na gasolinang sobra ang taas ng presyo at patuloy pa sa pagtaas.                (GIGI CONVOCAR)


Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.