2,000 Navoteño, Tumakbo Para sa Kalikasan

KASABAY NANG selebrasyon ng ika-5 taong pagkakakatag ng Navotas bilang lungsod, dalawang libong Navoteño ang tumakbo sa programang ‘Takbo ni Juan Para sa Kalikasan’, isang fun run activity na naglalayong maisulong ang kaalaman at kamulatan ng bawat mamamayan ng lungsod sa kahalagahan ng kalikasan.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ipinagmalaki nito na ang Navotas ang may pinakamahabang coastal area sa Metro Manila, kung kaya pinaigting na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang tuluy-tuloy na paglilinis ng anyong-tubig na nakapaligid sa lungsod sa pamamagitan ng “Navotas Ko Love Ko Lingap sa Kapaligiran Program”.

Dahil dito, nakalikom ng 30 sakong plastic bottles at 30 broom sticks mula sa mga sumuporta sa programa. Binigyang pagkilala ang Trans Pacific Journey Inc., sa pagkakaroon ng “Most Number of Participants” sa business sector at San Roque National High School na may pinakamaraming lumahok sa education sector ng lungsod.

Gayundin, kinilala si Marcelo Pena, 80 years old, bilang pinakamatandang runner, na tumakbo sa 7k race at si Clyde Raven Gonzales, 5 years old, bilang pinakabatang runner, na tumakbo sa 3k race.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.