2,000 Mangroves Itinanim sa Navotas

SINISIKAP NG pamahalaan lungsod ng Navotas na maibalik ang dating ganda at luntiang kulay ng buong karagatan ng nasabing lungsod at makatulong sa pagsagip sa anuman krisis ng kalikasan.

Pinangunahan kamakailan ni Navotas Ma-yor John Rey Tiangco, ang pagtatanim ng 2,000 mangroves sa karagatan ng Navotas sa Sitio Pulo, Bgy. Tanza.

Nakiisa rin ang Philippine Navy, Philippine National Police at Fleet Marine Team sa pagtatanim ng mangrove seedlings, bilang suporta sa adhikain ng alkalde na maibalik ang tunay na ganda ng tinaguriang Fish Capital City ng bansa.

Maging si Punong Barangay Carlito de Guzman, ay hinikayat din ang kanyang mga constituent na tumulong sa pagtatanim at magpanatiling malinis ang kanilang lugar na kung itinuturing na isa sa pinakamalaking parte ng karagatan sa Metro Manila.

“Ang mangroves o bakawan ay malaki ang naitutulong nito sa dagat lalo sa nananahan sa tubig-dagat gaya ng isda malalanghap rin ang simoy ng hangin,” ani pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.