2,000 Kabataan ng Habitat for Humanity, Sumugod sa Navotas

LUBOS NA pinasalamatan ng pamahalaan lungsod ng Navotas ang higit sa dalawang libong kabataan na pawang boluntaryong tumulong sa pagtayo ng 500 kabahayan sa nasabing lungsod para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Pedring nitong nakalipas na taon.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, malaki ang kanyang pasasalamat sa Habitat for Humanity at isa ang lungsod sa kanilang napili bilang benepisyaryo ng nasabing organisasyon at ito ay ang Navotaas Socialized Housing Site sa Barangay Tanza.

Una nang pinasasalamatan ni Tiangco sina Habitat Youth Council Founder-Chairperson Zobel de Ayala, Charlie Ayco, CEO and Managing director HFH program, Efren Peñaflorida, Alex Eduque, Matteo Guidicelli, Cris Villonco, Youth ambassadors of Habitat for Humanity at maraming iba pa, matapos tumungo ang mga ito sa naturang lugar upang tuluyang tapusin at maitayo ang mga kabahayan.

Matatandaang kamakailan lamang ay higit sa isang daang pamilya na rin ang nakalikas at kasalukuyang nakatira sa bahay na natapos gawin ng Habitat for Humanity.

“Today’s unbelivable turn out from Habitat Youth Build was nothing short of a miracle unfolding in front of everyone’s eyes. It was action borne out of sheer selflessness and the love was felt throughout the event. Cooperation and “bayanihan” was set in motion and I could not be more proud to be a part of it. The city of Navotas and I will forever be thankful to all those who participated today,” ani pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.