200 PAMILYA SA SAN JUAN, HINILING NA LUMIKAS NA

NANAWAGAN ANG PAMAHALAANG lungsod ng San Juan sa mahigit 200 pamilya na lisanin na nila ang kanilang mga barung barong sa Brgy. Corazon de Jesus para maiwasan ang madugong komprontasyon.

Ang apila ay ginawa ni San Juan City Mayor Guia Gomez at anak  nitong Congressman na si JV Ejercito at hinimok ang mga apektadong residente na tanggapin na at lumipat sa relokasyon na ibinigay sa kanila sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa mag-ina, ang pagpapalipat sa may 200 residente ay bahagi ng tuluy-tuloy na programa sa mga “informal settlers” sa lupang pag-aari ng gobyerno upang bigyan daan ang pagpapatayo ng bagong city hall ng lungsod.

Gayunman, nilinaw ng Alkalde na bago isagawa ang ikalawang batch ng demolisyon sa tahanan ng mga iskwater sa nasabing barangay ay isang dayalogo ang kanilang itinakda sa darating na araw ng Martes (Marso 15) sa San Juan National High School.

Matatandaan na noong Enero 25 ay nagkaroon ng madugong demolisyon sa nasabing barangay makaraang manlaban, magpaulan ng bato, bote, pana at tirador ang mahigit sa 120 pamilya.

Gumanti naman ang grupo ng demolition team ng San Juan na nagresulta ng pagkakasugat ng may 40 katao sa magkabilang panig.

Napayapa lamang ang gulo noong dumating ang dating Pangulong Joseph Estrada na nangakong bibigyan ng magandang relokasyon ang mga apektadong pamilya. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.