200 Kilo ng Botcha, Nasabat sa Tondo

TINATAYANG UMAABOT sa 200 kilo ng hinihinalang double dead na karne ng baboy o botcha ang nasabat ng Manila Veterinary Office sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni city veterinarian Dr. Joey Diaz na papunta sa palengke ang kaniyang mga tauhan para ipatupad ang bagong ordinansa ng lungsod nang makita nila ang isang tricycle na lulan ang dalawang sako ng botcha.

Nagawa pa sanang tumakas ang drayber ng tricycle na si Roberto Cornelio at kargador na si Freddie Melgar ngunit nadampot nila ito.

Depensa ng dalawang salarin, ipina-deliver lamang sa kanila ang naturang karne at hindi nila alam na bawal itong ikalakal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.