200 Examinees na Pumasa sa PNP Exams, Binawi ng NAPOLCOM

BINAWI O pinawalang-bisa ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang resulta ng Philippine National Police (PNP) Entrance and Promotion Examinations, kung saan pumasa ang 225 examinees mula sa Mindanao dahil sa pandaraya.

Isinagawa ang naturang eksaminasyon noong Abril 29, 2012 at Oktubre 14, 2012. 205 dito ang kumuha ng PNP entrance exam at 20 naman ang may ranggong PO1 na kumuha ng promotional exam.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Eduardo Escueta, sa kanilang ginawang answer pattern analysis ay natuklasan ang pagkakapareho ng sagot ng mga kumuha ng pagsusulit.

Nakitaan ang mga ito ng 50 hanggang 100 porsyento ng pattern na pare-parehong maling sagot.

Dahil dito, pinagbawalan ang 205 sibilyan na kumuha ng entrance examination o kahit anong police service examination sa loob ng tatlong taon.

Ganito rin ang naging parusa sa 20 PO1 na maaari pang kasuhan ng dishonesty at posibleng masibak sa serbisyo.

Samantala, pinaalalahanan ng NAPOLCOM ang mga kukuha ng police exam na huwag mandaya dahil nata-trace ito ng computer system lalo na ang pattern ng magkaka-parehong sagot.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.