20 Titser, Sinibak Dahil sa Pekeng Dokumento

AABOT SA 20 mga titser ng Department of Education ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (DepEd-ARMM) ang napatalsik sa kani-lang trabaho.

Ito ay sa kadahila-nang pineke umano ng mga ito ang kanilang eligibility ayon sa Civil Service Commission (CSC).

Sinabi ni DepEd-ARMM Secretary Atty. Jamar Kulayan na matagal na umano ang nasabing reklamo laban sa mga ito kung saan hawak na ngayon ng ahensya ang desisyon ng CSC kaugnay sa reklamong inihain laban sa nasabing mga guro.

Samantala, dahil dito nahaharap sa kasong dishonesty at misrepresentation ang dalawampung guro na napatunayang peke ang kanilang mga dokumento kabilang ang kanilang eligibility.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.