20 Sugatan sa Bumigay na Sabungan

AABOT SA 20-katao ang nai-report na nasugatan makaraang bumigay ang kaliwang bahagi ng sabungan sa kainitan ng derby sa Barangay Ayala, Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Brent Hospital at Zamboanga City Medical Center ay sina Miniano Redoble, Perlito Pigampuan, Jimmy Guantero, Papiniano Bairulla, Merlando REdoble, Rosendo Ramirez, Nancy Jujail, Dandy Pontillas, Noel Mariano, Alfred Regosa, Noel Edao, Galib Ramalan, Ismael Misluho, Christopher Tumban, Arnel Villarmina, Elma Ainal, Cecilio Eusebio, at Carlos Macaso, at dalawang iba pa. Lumalabas sa report na nakarating sa Camp Crame, bumagsak ang kaliwang bahagi ng Galyera de Ayala cockpit arena habang nasa kainitan ng pustahan ang mga sabungerong dumayo.

Samantala, pansamantalang ipinatigil ang sabong at  inuna ang pagdadala sa ospital sa mga nasugatang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “20 Sugatan sa Bumigay na Sabungan

  1. Pingback: 20 Sugatan sa Bumigay na Sabungan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.