20 Pinoy, kalaboso sa drug bust sa Spain

KINUMPIRMA NG embahada ng Pilipinas sa Madrid, Spain ang pagkakadakip ng 20 Pinoy sa inilunsad na serye ng anti-illegal drug busts sa naturang bansa.

Lumalabas sa report ni Consul Susana Mendiola na base na rin umano sa ulat ng Spanish authorities ay nakilala ang nasabing mga kababayan na kabilang sa mga kasapi ng drug smuggling groups.

Hinggil dito, nakikipag-ugnayan na ang mga Philippine embassy officials sa Spanish police kaugnay sa naturang kaso.

Una rito, naireport ang pagkakasabat ng mga awtoridad ng mahigit walong kilo ng “highly addictive drugs” sa serye ng raid sa Madrid, Barcelona at Murcia.

Sa nabanggit na operasyon, nasa mahigit 40 katao ang nadakip kung saan karamihan umano ay mga Pinoy, 19 na Kastila at tatlong Africano.

Tinukoy rin sa nasabing ulat na naging “front” umano ng sindikato ang isang car import-export business firm sa kanilang operasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.