20 Party-List Groups, Tanggal na sa Comelec List

NASA 20 party-list groups ang tuluyan nang tinanggal sa listahan ng Commission on Elections (Comelec) para sa darating na halalan sa 2013.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na tuloy ang kanilang ginagawang pagsusuri sa mga grupong naghain ng kanilang aplikasyon para sa akreditasyon ng poll body upang kilalaning party-list group.                                                                                            Sa kabuuan, umaabot na sa 37 grupo ang nadiskwalipika ngunit tumanggi ang nasabing opisyal na pangalanan ang mga ito.

Bago pa man ang pagtatapos ng buwan ng Oktubre ay ilalabas ng Comelec ang opisyal na listahan ng party-list groups na tuluyan na nilang diniskwalipika.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.