20 Pamilya, Naabo ang Bahay

UMAABOT SA 20 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog sa V. Luna kanto ng Kalayaan Ave. sa Barangay Malaya, Quezon City.

Sinabi ni Fire Sr. Insp. Andres Dauz Jr. ng Bureau of Fire Protection (BFP-QC) na nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Delia Yaton matapos magkaaberya ang fuse box nito.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang yari sa light materials.

Alas-3:20 kahapon ng madaling araw nang magsimula ang sunog na iniakyat sa ika-limang alarma, alas 3:44.

Samantala, tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang natupok.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga tauhan ng BFP-QC ang nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.