$20-M, Hirit ni Marquez sa Pacquiao Fight

MULA SA matagumpay na knockout victory noong nakaraang Disyembre kay dating 8-division world champion Manny Pacquiao, triple na ang hinihinging premyo ni Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Base sa report, mula sa guaranteed $6 milyon na fight purse noong huling laban kay Pacman, nais ni Marquez ang tumatagin-

ting na $20 milyon o nasa P.8 bilyon habang ang premyo ni Pacquiao ay nasa $23 milyon.

Una rito, noong nakaraang linggo ay naipagpaliban ang meeting nina Top Rank Promotions CEO Bob Arum at Marquez dahil marami umanong aasikasuhin si Marquez sa kanyang lugar sa Mexico.

Samantala, sakaling maselyuhan ang naturang laban, posibleng gawin umano ito sa buwan ng Nobyembre o Disyembre taliwas sa pahayag ni Arum na sa Setyembre gaganapin.

Sa ngayon, kabilang sa mga pinagpipiliang fight venue ay sa Macau, Singapore, Dubai, Abu Dhabi at ang Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.