20 Katao, Nawawala sa Lumubog na Barko

DALAWAMPUNG TRIPULANTE ANG iniulat na nawawala matapos na lumubog ang Panamanian cargo vessel na sinasakyan nila sa bahagi ng karagatan ng Ilocos Norte noong Sabado ng umaga.

Bandang alas-10 ng umaga nang makatanggap ng text message ang pulisya mula sa Philippine Coast Guard sa Currimao hinggil sa mensahe ng Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center sa ‘distress call’ ng kapitan ng barko na nagdeklara na abandonahin ito matapos na unti-unti nang lumubog sa karagatan.

Matapos na mag-request ng ambulansiya ang PCG, agad na kumilos ang PNP Maritime Group at Philippine Navy upang tulungan ang PCG sa gagawing ‘resue operation’ para sa mga tripulante ng lumubog na MV Oceanic Union cargo vessel.

Sa ngayon, patuloy na ginagalugad ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group at Philippine Navy ang malawak na karagatan upang hanapin at sagipin ang 20 nawawalang tripulante.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.