20 Barangay sa Maguindanao, Lumubog

HALOS MABURA sa mapa ng Mindanao kung kukuhanan ng larawan mula sa itaas ang 20 barangay sa lalawigang ito makaraang lumubog sa baha sa walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyong Gener.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC), aabot sa 20 barangay ang binaha sa nasabing lalawigan.

Dahil dito, inihahanda na ng Office of Civil Defense (OCD) ang capitol gym sakaling kailanganin ang paglilikas sa mga residente.

Sa Sultan Kudarat, halos hindi na madaanan ang Salimbao National Highway dahil umabot na hanggang tuhod ang baha, dahilan para magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Batay sa ulat, baha na rin sa Mother at Northern Kabuntalan maging sa Rajah Bauyan.

Ang matinding pagbaha sa naturang lugar ay dala ng tuluy-tuloy na pag-ulan simula pa noong Biyernes.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.