20 BAHAY TINUPOK NG APOY

ISA NA NAMANG sunog ang tumupok sa 20 kabahayan habang papalapit ang pagdiriwang ng fire prevention month kung saan mahigit 60 pamilya ang nawalan ng tirahan kamakalawa ng umaga sa Pasig City.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Serapio Lumbero sa may Sgt. Santos St., Brgy Bagong Ilog ng nasabing lungsod.

Dahil sa gawa sa light material ang mga kabahayan sa nabanggit na kalye, mabilis na kumalat ang apoy dahilan upang itaas sa ika-5 alarma ang sunog na tumagal ng humigit-kumulang sa isang oras.

Dakong alas-9:30 naman ng umaga nang idineklara fire out ng Pasig City fire department ang nasabing sunog.

Nabatid na wala si Lumbero sa kanyang bahay at nasa lalawigan ng Pampanga nang masunog ang kanyang bahay, kung saan nakarinig ng malakas na pagsabog sa loob at pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas ang makapal na usok sa kisame.

Napag-alaman na nahirapan ang mga kagawad ng pamatay sunog na maapula ang apoy dahil sa makipot na daan.

Hinihinala ng Arson Investigator na posibleng sumabog ang tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa loob ng bahay ni Lumbero. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.