2 Watch-Listed Drug Personality, Natiklo ng PDEA

NADAKIP ANG dalawang watch-listed drug personality ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang magkahiwalay na buy-bust operation sa Maguindanao at Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga salarin na sina Michael Kasan, 48 anyos, at Luwella Mendoza, 29-anyos.

Hunyo 20 nang magpanggap na buyer ng Shabu ang isang PDEA agent. Agad itong nakipagtran-saksyon kay Kasan sa Barangay Semba, Datu Odin sa Maguindanao na nag-resulta sa pagka-aresto ng salarin.

Ganito rin ang pamamaraan kung paano nahuli si Mendoza na nagbenta rin ng Shabu sa isang PDEA agent na nagpanggap ding buyer sa Cebu.

Samantala, nahaharap ang dalawang salarin sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang The Comprehensive Drugs Act of 2002.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.