2 Wanted na Carnapper at Holdaper, Tiklo

NALAGLAG SA kamay ng batas ang dalawang most wanted carnapper at holdaper na bumibiktima sa Caloocan City at Malabon kahapon ng ma-daling-araw sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang dalawang naarestong suspek na sina Michael De Guzman, 24, ng Corregidor St., Tondo, Manila; at Eric Dela Cruz, 28, ng Libis Talisay, Brgy. 12, Caloocan City.

Ayon sa mga elemento ng Anti-Carnapping Unit ng Caloocan City Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga nabanggit na suspek sa kahabaan ng A. Mabini St. cor. 4th Ave.

Nabatid na kasalukuyang naghahanap ang mga suspek na kanilang mabibiktima sa nasabing lugar habang sakay ang mga ito sa magkahiwalay na motorsiklo.

Dahil sa kahinahinala ang ikinikilos ng mga suspek ay agad silang sinita ng mga elemento ng Ancar at napag-alaman na ang sinasakyang motorsiklo ng mga naarestong suspek ay walang plate number.

Hinanapan ng mga awtoridad ang dalawang suspek na kaukulang papeles na nagpapatunay na kanila ang sinaksayang motorsiklo su-balit walang maipresintang papeles hanggang sa mapag-alamang carnap ang kanilang dala-dalang motorsiklo.

Nakatakdang ipaghaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA. 6539 act of 1972 (Anti Carnapping).

(Roman Magpoc)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.