2 volunteer tanod, sugatan sa ambus

DALAWANG MIYEMBRO NG Volunteer Kabayan Action Group (VKAG) ang pawang sugatan makaraang ambusin ang mga ito ng isang lalaki habang ang mga biktima ay nagsasagawa ng routinary patrol bilang peace keeping force sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang dalawang biktima na kasalukuyang nakaratay sa Manila Central University hospital ay nakilalang sina Paterno Baylon, 53, may-asawa, ng Block 8, Lot6, Tulip St., Capitol Park Home 11 at Eduarda Bancunita, 51, ng Block 33, Lot15Jasmina St, Capitol Park Homes 11 ng nabanggit na lungsod, mga miyembro ng VKAG.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Eleonor Rebukas, nasa hustong gulang, may-asawa, driver at naninirahan sa La loma St., Camarin.

Base sa ulat at ipinadala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Jude Santos sa Northern Police District Office, bandang alas-2:00 ng hatinggabi nang maganap ang nasabing insidente sa Cathleyan St., Capitol Park Homes 11.

Nabatid, nagsasagawa ng routinary partrol ang dalawang biktima sa nasabing lugar ng bigla na lamang pagbabarilin ng suspek ang mga biktima kung saan si Baylon ay tinamaan ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril habang si Bancolita ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang paa.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas si Rebukas habang ang mga biktima ay mabilis na dinala sa Jose Rodriguez Hospital na agad na inilipat sa MCU hospital.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang Caloocan PNP sa posibleng ikadarakip ng nasabing suspek. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.