2 Utas sa Landslide sa Benguet

LUMALABAS SA kumpirmasyon ng Office of Civil Defense-Cordillera na dalawa na ang nasawi sa lalawigan ng Benguet dahil pa rin sa pagguho ng lupa.

Nakilala ang mga nasawi na sina Prisca Pacyaya, 64, naninirahan sa Nugget Hill Ampucao, Itogon, Benguet at si Clinton Idios, 15, na nani-nirahan sa Capongga, Tublay, Benguet.

Ayon kay Olivia Luces, regional director ng Office of Civil Defense, nasawi si Pacyaya matapos itong matabunan ng gumuhong lupa habang inaayos nito ang sira ng kanilang bahay.

Nahukay na lamang ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima pasado alas-9 ng umaga at sa ngayon ay nilalamayan ang kanyang bangkay sa Kias, Baguio City, dagdag pa ni Luces.

Kahapon alas-5:30 ng umaga ay natabunan din ng gumuhong lupa si Idios sa bahagi ng First Gate, Itogon ng nasabing lalawigan habang tinatahak nito ang naturang daan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.