2 Utas sa Away-Trapiko

 

DALAWA ANG kumpirmadong nasawi dahil sa away-trapiko sa San Antonio, lalawigan ng Quezon.

Base sa report, nagtungo ang mga biktimang sina Danilo Buenavides, 44-anyos, at kasamang si Ronilo De Guia sa bahay ng isang doktor para sunduin ang kapatid ng huli.

Sakay ang dalawa ng isang Toyota Hi-Ace.

Pagdating umano sa gate ng doktor ay dito na binangga ng isang L300 van ang likurang bahagi ng Hi-Ace.

Bumaba sina Buenavides at De Guia upang komprontahin ang sakay ng van ngunit pagbaba ng isa na sakay ng nasabing sasakyan ay bumunot ito ng baril at saka niratrat ang mga biktima.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng kalibre .45 baril.

Samantala, nakita ng kapatid ng biktima ang agarang pagtakas ng van.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.