2 Tulak, Timbog sa Bato at Damo

HINDI NA nagawang makatakas pa ng mga kilalang tulak ng ipinababawal na droga, makaraang inguso ito ng ilang mga residente sa Brgy. Perez, Meycauayan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Hector Samar kay PNP Provincial Director P/Sr Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nada-kip na suspek na sina Maria Concepcion Sagun Y Perez, 53 anyos, ng Blk-33, Lot-9, Sitio Ibaba, Brgy. Perez; at James Ignacio Y Orogo, 35, ng 32 J. Santiago St., Malanday, Valenzuela City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-6:30 ng hapon nang maaresto ang dalawa habang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ng mga pulis ang kilos ng dalawa, kaya tiyempo namang ingi-nuso ng mga intelligence community sa lugar.

Nakuha mula sa dalawa ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at pinatuyong dahon ng Marijuana.

Samantala detenido ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.