2 Tulak, Tiklo sa Bora

HULI ANG dalawang drug pusher ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO) at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Sitio Tulubhan, Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Sinabi ni P/Insp. Wilfredo Hofelenia ng PIBO na nakuha ang isang gramo ng Shabu at marked money sa salarin na si Raffy Briones, 37, residente ng Brgy. Camanci Sur, Numancia at ang isa pang sachet ng Shabu sa kanyang kasamang si Josilito Calbario,ng Brgy. Balabag Boracay.

Ang dalawa ay naa-resto matapos bentahan ng Shabu ang isang poseur-buyer ng mga kinauukulan.

Napag-alaman na may ilang buwan na ring isinailalim sa surveillance ang mga salarin na sa ngayon ay sa kustodiya na ng mga kinauukulan.

Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.