2 Tulak sa Bora, Timbog

DALAWANG LALAKI na tulak ng Shabu ang naaresto ng mga elemento ng Provincial Intelligence Branch Operatives (PIBO) at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos makumpiskahan ng 10 sachet ng Shabu sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Kinilala ang nadakip na mga salarin na sina Carmilino Solano, 34, residente ng Rodilla Camotes, Cebu City; at Jeffrey Wongli, 33, residente ng Sampaloc, Manila.

Ang dalawa ay pansamantalang naninirahan sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak sa isla.

Base sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PIBO at BTAC sa loob ng D’ Talipapa nang bentahan ng mga salarin  ang poseur-buyer na ikinatimbog ng mga ito.

Nakumpiska sa mga salarin ang dalawang sachet ng shabu, P1,000 na marked money na ginamit sa buy bust at isang Daewoo 9mm na baril at mga bala.

Lumalabas sa isinagawang body search, nakuha ang dagdag na pitong sachet kay Solano at isang sachet kay Wongli.

Sa follow-up operation sa apartment ng mga salarin, narekober ang ilang drug paraphernalia, isang plastic sachet ng pinaniniwalaang dahon ng marijuana at 25 bala ng 9mm.

Samantala, ang mga suspek ay nakakulong ngayon sa lock-up cell ng BTAC at nakatakdang sampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (

PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.