2 Tulak, Arestado sa Navotas

LAGLAG ANG dalawang hinihinalang tulak at gu-magamit ng iligal na droga sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Navotas matapos salakayin ng mga awtoridad ang pinagpupugaran ng mga ito kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakakulong sa detencion cell ng Navotas Police ang mga suspek na sina Conrado David Lopez, 63; at alyas Boy, 25, pawang residente ng ng nabanggit na lungsod.

Dakong alas-5 ng umaga, nilusob ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama si Navotas Mayor John Rey Tiangco, ang pinagkukutaan ng mga suspek sa Market 3, Fishport, Brgy. NBBN at Daanghari sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng MTC-Branch-73.

Dahilan upang dakpin ang mga suspek at nakuha sa mga ito ang ilang pakete ng pinaniniwalaan Shabu at mga drug paraphernalia.

Kaugnay nito, sa walang patid na kampanya ng pamahalaan lokal ng lungsod ng Navotas kontra-droga, higit 100 drug pusher at user na ang mga naaresto at nasampahan ng kaso.

Malaking tulong din ang mga residente ang JRT text campaign laban sa ipinagbabawal na gamot na kung saan sila mismo ang nagsusuplong sa mga suspek at pinagtataguan ng mga ito.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.