2 Truck ng Militar, Inambus; 1 Sugatan

PATULOY ANG ginagawang hot pursuit operation ng militar makaraang tambangan ang kanilang dalawang 6×6 trucks sa boundary ng Brgy. Bislig at Brgy. Cabcab, San Andres, Catanduanes ng pinaghihinalaang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Base sa impormasyon na ipinaabot ni Col. Rod Batang, ang commander ng 83rd Infantry Batallion Philippine Army, sinabi nito na bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi, habang pauwi na ang kanilang tropa makaraang ihatid ang iba pang kasamahan sa bahagi ng Brgy. May-ngaway para sa gagawing combat operation sa lugar, nang bigla na lamang si-lang paulanan ng bala ng hindi madeterminang bilang ng mga NPA.

Agad namang nakaganti ang tropa ng militar sa halos ilang minuto ring palitan ng putok.

Samantala, sugatan naman ang isa sa mga kasamahan nito na kinilalang si Pfc. Ericson Fabricante na kasalukuyang binibigyan ng lunas sa pagamutan.

Samantala, todo alerto naman ang Public Safety Company at lahat ng mga municipal police station sakaling muling umatake ang mga NPA sa nasabing lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.