2 truck nasunog malapit sa gas station

 

DALAWANG  TRUCK na kargado ng niyog ang nasunog malapit sa gas station sa Maharlika Highway sa bayan ng Tayabas, Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Willy Martinez ng Quezon PNP, alas-7:20 ng umaga nang biglang mag-apoy ang dalawang truck na nakahimpil sa

naturang daan sakop ng Barangay Calumpang.

“’Yung dalawang truck na may kargang copra nakaparada ay biglang nag-apoy, gawa siguro ng nagkaroon ng pressure ang karga nilang copra,” ayon kay Martinez.

Agad namang naapula ang apoy nang rumesponde ang iba’t ibang sangay ng awtoridad sa nasabing bayan, gayundin ang kalapit na Sariaya.

Paluwas sana ng Metro Manila ang mga truck.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.