2 Tricycle Driver, Nagsaksakan; Kapwa Patay

PAREHONG PATAY ang dalawang tricycle driver makaraang magsaksakan ang mga ito habang naghihintay ng kanilang pasahero sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sina Francis Manasala, 35, binata, ng # 05 C. Apostol St., Heroes Del 96, Caloocan; at Pablo Fabia, 52, may-asawa ng # 1363 Heroes Del 96, at pawang nalagutan ng hininga sa Manila Central University Hospital sanhi ng tig-isang tama ng saksak sa katawan.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa Apostol St., kanto ng Heroes del 96.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, pareho umanong nag-aabang ng pasahero ang dalawa nang bigla na lamang nagkasagutan ang mga ito dahil umano sa matagal nang alitan.

Habang nagkakasagutan ang mga biktima ay biglang bumunot ng patalim si Fabia at agad na inundayan ng saksak sa katawan si Manansala.

Sa kabila ng sugatan na si Manansala ay nagawa nitong maagaw ang hawak na patalim ni Fabia na siya naman, isinaksak sa dibdib nito.

Parehong duguang humandusay sa kalsada ang dalawang tricycle driver na kaagad namang dinala ang mga ito ng mga kapwa tricycle driver sa nasabing pagamutan. Subali’t habang nilalapatan ng lunas ay parehong nalagutan ng hininga ang dalawa.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.