2 Todas sa Onsehan sa Droga

ONSEHAN SA DROGA ang itinuturong dahilan sa pagkakapasalang sa dalawang lalaki na pinagbabaril sa loob ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City Chief of Police P/Supt. Jessie Cardona  ang mga biktima na sina Ismael Quijano Jr., 26 anyos, residente ng San Agustin, Bolante 2, Brgy. Pinagbuhatan; at Mark Louie Cerrano alyas “Macmac”, 25 anyos,binata, residente naman ng F-R-938, Victoriano Baltazar St., Brgy. Palatiw, kapwa ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na na-kilala lamang sa pangalang “Andy”, na umano’y huling kausap ng mga biktima sa bahay ni Quijano.

Sa ulat, dakong alas-12:50 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang Tactical Operation Center (TOC) kaugnay ng sunud-sunod na putok ng baril sa San Andres St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nabatid na ang dalawang biktima ay nasa loob ng bahay ni Quijano kasama ang suspek na tila nagtatalo hanggang sa makarinig na lamang ng putok ng baril ang live-in partner ni Quijano na si Michaela Joy Felix.

Ayon kay Felix, dumating ang suspek na si Andy sa kanilang bahay at doon ay nag-usap-usap ang tatlo si Quijano at Cerrano, kung saan ay pinalabas ang ginang dahil sikreto ang usapan.

Subalit ayon sa ginang, makalipas lamang ang ilang sandali ay nakarinig na siya ng sunud-sunod na putok sa loob ng bahay at nang kanyang silipin ay duguan ang dalawang biktima habang wala na ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng calibre .45 na baril at ang hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang Shabu.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.