2 Tindero ng Isda, Tinadtad ng Bala

NASA KRITIKAL na kundisyon ngayon sa pinagdalhang pagamutan ang dalawang negosyante ng isda, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni OIC P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga biktimang sina Rebecca Lita, 45 anyos; at Wilfredo Gredonia, 45 anyos, ng Brgy. Banga 2nd sa bayang ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente ng pamamaril ng hindi nakilalang mga suspek na armado ng caliber .45 baril lulan ng motorsiklong walang plaka.

Nabatid na maglalako na sana ang dalawang biktima nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga suspek sa hindi pa malamang kadahilanan.

Matapos ito’y mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Cagayan Valley Road.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng caliber .45 baril.

Samantala, patuloy na-

man ang isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa mga salarin.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.