2 Tindera, Nagsapakan Dahil sa Tsismis sa Galis

SUGATAN NA lumapit sa himpilan ng pulisya ang dalawang tindera makaraang magkainitan dahil lamang tsismis.

Kinilala ang mga ito sa pangalan lamang na Mary Grace at Mrs. Francia na kapwa tindera sa Legazpi City Public Market.

Base sa salaysay ng mga ito, napag-alaman na pinagkakalat umano nitong si Mary Grace ang pagkakaroon ng galis ng kasamahang si Francia.

Habang ang pagiging maitim naman ni Francia ang ipinagkakalat ng kapwa tindera.

Dahil dito, sa pagtatagpo ng dalawa, nagpang-abot ang mga ito kung saan, maliban sa masasakit na salita na binitawan ng dalawa ay nagsapakan pa ang mga ito.

Samantala, nadiskubre na ang galis ng isa sa mga tindera ang naging puno’t dulo ng lahat.

Kasalukuyang desidido namang magsampa ng kaso ang magkabilang panig kaugnay ng naturang inseidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.