2 Tindera, Kulong sa Pagtangay ng mga Cellphone

SWAK SA kulungan ang dalawang tindera matapos iuwi ang mga panindang cellphone sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.
Nahaharap sa kasong qualified theft sina Irene Herrero, 32, ng Project 8; at Angelie Mae Landero, 20, ng Cubao, kapwa ng Quezon City.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali, nadiskubre ng biktimang si Marie Christine Cabaro, 32, may-ari ng Easy Acces Mobile Store sa Victory Mall, Monumento ng lungsod na kulang ng 126 piraso ang kanyang stock na cherry mobile na nagkakahalaga ng P229,300.

Isang tindera ang nagsabi sa biktima na inilabas ng mga suspek ang mga nawawalang cellphone.

Dahil dito, humingi ng tulong sa mga guwardiya ang biktima at pinadakip ang mga suspek bago dinala sa presinto at sinampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.