2 TIKLO, SA P1-M COCAINE

DALAWANG LALAKI ANG a-restado sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Taskforce (AIDSOTF)at Pasig Police na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng P1 milyong halaga ng Cocaine.
Kinilala ni Pasig City Chief of Police P/Sr. Supt. Jessie Cardona ang mga suspek na sina Lorenzo David Layug, residente ng San Lorenzo Village, Makati City, at isang Renz Henry Sayarot, na pinaniniwalaang may permanent residency status sa Estados Unidos, batay na rin sa mga identification documents na nakuha sa kanya.
Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi noong Martes nang madakip ang mga suspek sa parking lot ng City Golf Plaza, sa Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City.
Ayon kay Atty. Roque Merdeguia ng AIDSOTF, matagal nang under surveillance ang mga suspek, matapos na makatanggap ng impormasyon ang kanyang grupo na ang mga suspek ang nagbebenta ng Cocaine sa Metrowalk at City Golf area, at ang tinatarget umano ay ang mga mayayamang kabataan sa lugar.
Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis kung saan ay nakabili ito ng Cocaine sa mga suspek na nagkakahalaga ng P100,000 at nang magkaabutan ay agad silang nadakma ng pulis.
Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang 216 gramo ng Cocaine, 2 sachet ng dahon ng Marijuana, mga tableta ng Cepham, at isang .9 mm kalibre pistol na puno ng bala.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale, Trading, Dispensation, Delivery, Transportation), Section 26 (Conspiracy) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs) ng Article 2 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.) (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.