2 SWAT Member Na Nanggulpi Ng Dayuhan, Sinibak Na

SINIBAK NA sa puwesto ang dalawang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) Team ng Cebu na nambugbog sa isang banyagang estudyante.

Maaalala na nagwala ang taga-Papua New Guinea na kinilalang si Bennedict Penini dahil umano sa kalasingan.

Kumuha pa siya ng bato at hinampas ang isang taxi driver.

Dito na kumilos ang SWAT at pinalo siya ng M-16 armalite at pinagsisipa ang banyaga. Nakisipa rin maging ang nasabing taxi driver.

Ayon sa Commission on Human Rights (CHR), nilabag ng SWAT ang karapatan ni Penini.

Samantala, naghain pa rin ang SWAT ng kasong direct assault laban kay Penini matapos umano silang hagisan ng bato.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.